Fan’s Tribute to OPM Rock Bands

Fan’s Tribute to OPM Rock Bands

Batang 90’s ako. Marahil ikaw din. Isinilang tayo sa musika ng ERASERHEADS, PAROKYA NI EDGAR, SIAKOL… samahan pa ng Backstreet Boys at Westlife. Ngunit, isa sa mga tumatak sa ating paglaki ay ang muling pag-usbong ng kasikatan ng Bandang Pinoy. Nasa 2nd o 3rd year high school ata ako noon.

Kaliwa’t kanang gigs sa mga mall at concert saan mang bakanteng lote. Palagiang pagtutok sa MYX Daily Top 10 upang abangan kung kaninong kanta na ang nangunguna. Pagtitiyaga sa low reso na cellphone camera basta makuhanan lamang ng picture ang paboritong bokalista. Porsigidong pag-aral ng pagtugtog ng gitara para lang makasabay sa plucking ng “Narda” o kaya naman ay masabing ‘astig’ ka na.
Gasgas mang sabihin, lahat ng bagay ay lumilipas. Maging ang mga tao ay nagbabago din. Marami man sa atin ang naniniwala na hindi na panahon ngayon ng kasikatan ng bandang pinoy, ang itinuturing kong pinakamahalaga sa lahat ay minsan nating PINAKINGGAN, MINAHAL at BINIGYAN NG RESPETO ang MUSIKA NILA.

Leave a Reply

Scroll to top